Dahil panahon ng Kuwaresma at linggo ng Semana Santa marami ang mga taong namanata, may nagpapabasa, nagbisita Iglesia, senakulo at nag-ayuno.
Sira na naman ang diet at nadagdagan ang timbang, pero nakatipid ang ilang malapit ang bahay sa mga simbahan, chapel o "bisita" siyempre libre ang almusal, tanghalian, hapunan pag may pabasa at kapag binubwenas-bwenas pa eh libre din ang miryenda.
Marami ang nagpinitensya, yung mga taon-taong namamanata, may naglakad ng nakayapak, nagpapalo sa likod at nagbuhat ng krus.
Ngunit . . .
Kailangan ba nating pahirapan ang ating mga sarili upang humigi ng tawad sa ating mga kasalanang nagawa?
Kailangan ba nating gayahin ang pagpapasan ng krus upang kahit papano ay mabawasan ang ating mga kasalanan?
O ipakita sa tao na tayo'y nagpipinitensya, nagpapakahirap, nagpapahagupit para kawaan tayo at mapatawad sa ating mga pagkakamali?
Sa ganang aki'y hindi natin saklaw kung ano man ang tumatakbo sa isipan ng bawat mananampalataya, at mahirap sukatin kung gaano kalalim ang kanilang paniniwala. Para pahirapan ang kani-kanilang mga sarili at magpakasit ng todo.
Sa ilang kristiyano ay sapat na ang mag handog ng pagkain kapag mayroong pabasa, sa ilan nama'y sapat na ang pag dalaw sa mga simbahan o kaya nama'y pag sali o pag oorganisa ng senakulo.
Mayroon naman na, nagbubuhat at nagpapa-pako sa krus.
Pero may mga ilan din na,
Ini-enjoy ang mahabang bakasyon;
Maghapon lang na nonood ng mga pelikula tungkol sa Bibliya, Ten Commandments, Passion of the Christ Noah's Ark atbp.
Mayroon din na nagiinom pagkatapos mag pinitensiya,
Yung iba ay diretso tanan pagkatapos ng bisita iglesia, at gabing pabasa.
May nag mo-malling (kung may bukas na mall)
Umaakyat sa Baguio para magpalamig,
At yung iba naman ay nagpupunta sa mga resort para mag swimming partikular na sa Boracay..
May iba't-ibang pananaw at kani-kaniyang paniniwala ang bawat tao, o maging ang bawat kristiyano.
Hindi natin mapipilit maniwala ang iba tungkol sa paniniwala mo.
Basta ang mahalaga ay respeto at wala kang nasasagasaan na ibang tao. Ang pagpapakasakit at paghingi ng tawad ay magagawa ng bawat isa kahit hindi panahon ng Kuwaresma...
Kahit araw-araw ay pwedeng magbuhat ng krus...
Kahit simpleng araw ay pwedeng magpa pako sa krus.
Kahit walang okasyon ay may nagpapa-pako... at "Hindi lang sa krus."
Ikaw nagpapa-pako kaba?
No comments:
Post a Comment