Bakasyon na naman,
tag-araw at pag-ganitong panahon sa Pilipinas ano ba ang usong-uso bukod sa mag outing at mag swimming….
tag-araw at pag-ganitong panahon sa Pilipinas ano ba ang usong-uso bukod sa mag outing at mag swimming….
Sikat na naman ang mga salitang
binyag, supot, uten, sapit, sakat, bayabas, labaha, sungaw, nangangamatis, baru-baruan, langgas, pukpok, lapok, lambi . . .
May mga bansang hindi masyadong pinapahalagahan ang tuli base narin sa kulturang kinagisnan o relihiyong kinabibilangan,
Mayroon naman na itinuturing itong sagrado at banal na kailangang sundin at isakatuparan,
sa Bibliya ay may kung ilang beses na nabanggit ang pagtutuli o pagpapatuli.
Sa Pilipinas karaniwan na ang pagpapatuli ay ginagawa kapag nagbibinata na ang mga kalalakihan, ngunit sa ibang mga nasyon ay naka ugalian na pagka-silang palang ng sanggol na lalaki ay ipinatutuli na ito ng kanilang mga magulang.
sa Bibliya ay may kung ilang beses na nabanggit ang pagtutuli o pagpapatuli.
Sa Pilipinas karaniwan na ang pagpapatuli ay ginagawa kapag nagbibinata na ang mga kalalakihan, ngunit sa ibang mga nasyon ay naka ugalian na pagka-silang palang ng sanggol na lalaki ay ipinatutuli na ito ng kanilang mga magulang.
May mga iba’t ibang pinaniniwalan tungkol sa tuli na wala namang siyetipikong paliwanag,
Tulad halimbawa ng:
Pag 'di daw tuli ay maaring hindi magka anak ang isang lalaki (kung totoo ito e bakit pinaka maraming pupulasyon ang intsik at indiano?)
Pag hindi daw tuli ay magiging bakla pag-laki. (Tuli naman daw sina Chokleit at Pooh)
Pag hindi daw tuli ay magiging mutain ang magiging anak mo, (e bakit yung inaanak ko, hindi naman)
Pag hindi daw tuli ay mas malakas ang posibilidad na magkaroon ng sexually transmitted diseases (STD)
Pag natuli daw ang isang bata ay mas bibilis ang pagtangkad at paglaki nito.
Pag bagong tuli daw at nakita ng mga babae ang hitsura ng inyong karagada ay malamang na mangamatis... mamaga. (ang alam ko namamaga talaga kahit hindi bagong tuli pag-nakakita ng magandang binti.)
at marami pang mga haka-haka sa pagiging supot.
Sa ating kulturang pinoy ay mahalaga na ikaw ay binyagan o tuli, kung hindi, ikaw ay tiyak na magiging tampulan ng biruan at kutyaan mula sa pagbibinata, hanggang sa ikaw ay tumanda at kung minsan ay nadadala at namamana pa ng iyong mga anak ang kantiyaw at kutya.
Tulad halimabawa ng:
“Kaninong anak ba ‘yang nanliligaw sa iyo”?
“Anak ho ni mang Karding na taga ilog, ‘Tay.”
“Nako si Karding supot, yun bang asawa ni Eloisa, anak tingnan mo’t mutain iyang manliligaw mo!”
Sa ibang mga bansa, partikular na sa gawing Africa ay hindi lang ang mga kalalakihan ang tinutuli maging ang mga kababaihan... (link)
May mga ilang pag-aaral na isinasagawa ang mga ilang sikat na unibersidad sa ibang bansa kung ano ang kahalagahan ng tuli,
- Ayon sa unang pagsisiyasat ay mas malaki daw ang tyansa na makaiwas sa prostate cancer ang mga lalaking tuli kasya sa mga supot.
- Mayroon din namang mga pag-aaral na nagsasabi na nababawasan ang sensasyon na nararamdaman ng isang lalaking natuli (kapag sila ay nakikipagniig) dahil natatanggal o nababawasan ang balat na kumakaskas/kumikiskis sa isa sa pinaka sensitibong parte ng katawan ng isang lalaki.