Sabi nila ang isa pang tagalog ng chair bukod sa upuan ay salong puwit.
Kaya sabi ng erpat ko ang tagalog daw sa brief ay "salonggonisa" o salo sa longganisa.
At ang tagalog naman daw sa panty ayon parin sa erpat ko ay "salungguhit".
May mga kalalakihan na walang ibang gustong isuot na brief kung hindi kulay puti, meron din naman na puro kulay itim at meron din naman na hindi na nagbe-brief.
Noong ako'y binatilyo pa, may mga termino kaming ginagamit patungkol sa brief,
Tulad halimbawa ng . . .
3 sam - brief na mumurahin, tatlong piraso sampung piso
Side A - normal na pagsusuot ng brief kapag bagong laba
Side B - baligtad na pagsusuot ng brief kapag marumi na ang Side A
Low waist - brief na lawlaw
Bacon - brief na nagkokorteng bacon na ang garter dahil sa kalumaan
Pamana - brief na namana lang sa kuya o sa tatay
Nogart - brief na de perdible, maluwag na ang garter
Bukod sa brief may mga ilan pang alternatibong isinusuot na panloob ang mga kalalakihan, gaya ng boxer shorts at karsunsilyo.
Pero alam nyo ba na may mga tribo sa Papua New Guinea at Indonesia kung saan ang mga kalalakihan ay gumagamit na mga pinatuyong gulay at halaman upang gawing pantakip sa kanilang mga ari-arian na tinatawag nilang "koteka".
Ang mga kalalakihan ay nagsusuot ng koteka na naaayon sa hitsura na suot ng kanilang mga katribu upang maging tanda ng pagkakakilanlan ng kanilang grupong kinabibilangan.
Sila ay nagsusuot nito dahil ikinukonsedera nilang sila'y hubad kung wala nito.
Ano sa tingin nyo...kung gumawa kaya ang Calvin Klein, Hanford o Carter ng brief na ganito ang yari, may bibili kaya?
At paano na kung si mang Pidol ang magsusuot ng ganito...
Dapat siguro ay sinlaki ng kalabasa o pakwan ng magkasya.