Thursday, March 31, 2011

GM - General Manager? (Genuine Monkey!!!)

I am thinking of the next topic that I can post to my blog page because it’s been almost a month since I posted the last one.

Lately I’m quite busy and a little bit pressured in my work due to the anxiousness I am feeling towards the newly joined GM in the company (who really treated me badly).

After trying several attempts of putting all the ideas that were mingling on my brain, on what topic should I do for my page, I am always ended up thinking of my work and the severe criticism and verbal attack of the new GM.

Hence I came out with the idea to write about some of his wordings and how he belittles other people. I am hesitant to discuss his rudeness and include on my blog but the time is running out for the month of March and I still don’t have a concrete material to write so it leave me with no choice but do this.
Here are some of his(new GM) words of encouragement;

His 1st week in the company and asked me to go to his house.
(I'm not familiar with the area and got lost)
  • I can never work with a person like you and I will tell it to the owner! (over the phone) Now tell me where the hell are you?
  • You have seen and asked one monkey on the way and you believed what he said?
  • With what you are getting I can replace you with four Indians! One accountant, one warehouseman, one driver and one person who will sit the whole day and will do nothing!
The GM’s impressions and critiscism on me;
  • When I first saw you, I knew you were not good.
  • You dressed like an R&B artist, baggy jeans and loose shirt.
  • Don’t go to the bank wearing your basketball shirt and jeans.
  • You look like a surveyor on what you are wearing.
When he is sending the mail from the wrong account (his mistakes)
conversation by phone:
  • It is impossible that you are not receiving my mail, i have sent it thrice!
  • Do you know how to use the email or the Outlook?
  • You should call the I.T. to fix the problem, have some initiative!
When talking to me about other people.
  • Hell with that agent.
  • Give me the number of that stupid lady.
  • That bank personnel is also a donkey.
Here is the best statement from him.

"I already discussed to the owner and we decided to reduce your salary".

Thursday, February 10, 2011

Salonggonisa (Brief)

Ano nga ba sa tagalog ang brief?

Sabi nila ang isa pang tagalog ng chair bukod sa upuan ay salong puwit.

Kaya sabi ng erpat ko ang tagalog daw sa brief ay "salonggonisa" o salo sa longganisa.
At ang tagalog naman daw sa panty ayon parin sa erpat ko ay "salungguhit".

May mga kalalakihan na walang ibang gustong isuot na brief kung hindi kulay puti, meron din naman na puro kulay itim at meron din naman na hindi na nagbe-brief.

Noong ako'y binatilyo pa, may mga termino kaming ginagamit patungkol sa brief,
Tulad halimbawa ng . . .

3 sam - brief na mumurahin, tatlong piraso sampung piso
Side A - normal na pagsusuot ng brief kapag bagong laba
Side B - baligtad na pagsusuot ng brief kapag marumi na ang Side A
Low waist - brief na lawlaw
Bacon - brief na nagkokorteng bacon na ang garter dahil sa kalumaan
Pamana - brief na namana lang sa kuya o sa tatay
Nogart - brief na de perdible, maluwag na ang garter

Bukod sa brief may mga ilan pang alternatibong isinusuot na panloob ang mga kalalakihan, gaya ng boxer shorts at karsunsilyo.

Pero alam nyo ba na may mga tribo sa Papua New Guinea at Indonesia kung saan ang mga kalalakihan ay gumagamit na mga pinatuyong gulay at halaman upang gawing pantakip sa kanilang mga ari-arian na tinatawag nilang "koteka".

Ang mga kalalakihan ay nagsusuot ng koteka na naaayon sa hitsura na suot ng kanilang mga katribu upang maging tanda ng pagkakakilanlan ng kanilang grupong kinabibilangan.

Sila ay nagsusuot nito dahil ikinukonsedera nilang sila'y hubad kung wala nito.


Ano sa tingin nyo...kung gumawa kaya ang Calvin Klein, Hanford o Carter ng brief na ganito ang yari, may bibili kaya?
At paano na kung si mang Pidol ang magsusuot ng ganito...

Dapat siguro ay sinlaki ng kalabasa o pakwan ng magkasya.

Sunday, February 6, 2011

gamit na, gamit na!

Gamit na, gamit na!
Ang kotseng walang pahinga.

Gamit ko ang lumang kotse ng nanay ko na mahigit sampung taon niyang ginamit. . .

At kahit na sumasakit ang katawan ko sa pagliko at pagpihit ng manibela dahil hindi ito power steering,
pinagtitiyagaan ko.

Tinitiis ko at dinadaan na lamang sa ngiti ang mapahiya at mabingi sa nakakairitang busina ng aking mga kasunod kapag ka minamaneho ko ang lumang kotse dahil sa hirap na itong humatak,
lalu na't sa mga ahuning tulay at kalsada.

Dinadaan ko nalamang sa dasal ang pangambang nararamdaman, dahil baka ako masiraan sa daan kapag malayo ang aking pupuntahan.
Magku-krus bago umalis at bubulong ng sana ako'y makarating ng maayos sa aking paroroonan.

Pinagtitiyagan ko't pinagtitiisan at sinasamahan ng dasal.
Kahit na panay pangungutya at pintas ang inaabot ko sa
mga nakakakita
lalo na sa anak ng aking amo.

Ayaw kong kumuha ng bago
o modelong hulugan.

Dahil, ayaw kong magka utang
eto ngalang lumang kotse ng nanay ko ay hindi ko pa nababayaran.

Tiis lang,
ganyan talaga ang buhay.
Dapat maging kontento kung ano man ang meron ka
at ano man ang kaya mo.

Saka nalang kukuha ng bago, kapag ka
Naka ipon na ako...

Saturday, February 5, 2011

biglang liko

Ang bilis talaga ng panahon.
Kaylan lang ay abala ang lahat dahil sa pasko at bagong taon, tapos ngayon February na.

Buwan ng Pag-ibig.
Buwan ng mga rosas at tsokolate.

Buwan kung kailan malakas ang kita ng may ari ng mga sinehan diba?

Buwan kung kaylan mas lalong pumapatok at nagiging tanyag ang mga pangalang Anito, Wise, Victoria at ilan pang mga kuwartong malamig at maraming salamin.

Na karaniwan ng kilala ng mga taxi driver sa tawag na "biglang liko".

Yung mga walang pera ay okay na sa mga madilim at liblib na lugar sa may Bagumbayan, QMC, Intramuros at kung saan-saan pa.

Mga parke na tinatawag naman ng ibang "biglang tago".

Ano nga kaya ang relasyon ng buwan ng Pebrero sa pagiging romantiko ng mga lalake, lalo na sa Pinas at marami ang mga kababaihan ang kanilang napapapayag upang mag syort taym?

O dahil lang sa nadadala din ang mga babae sa magneto o kasabihang nakatatak sa buwan ng Pebrero kung kaya't nagiging mapagbigay sila sa kung ano man ang hilingin ng mga romantiko nilang kapareha.
Baka naman napana o nagpapana kay Kupido?

Kahit saan man ninyo balakin,
Maging ito ma'y biglang liko, biglang tago o biglang upo.
sa first class, sa wa class,
o sa libreng lugar na madilim.

Ingat lang baka may nakatutok na kamera sa inyo,
mahirap ng maiskandalo.

At lagi ninyong iisipin ang responsibilidad at maaring mangyari pagkatapos ninyong mag... ano.

Wednesday, February 2, 2011

bulog

Nakakita naba kayo ng mamang may dalang barakong baboy, kung minsa'y tulak-tulak sa isang kariton o di kaya nama'y sakay sa isang pasadyang traysikel na may saydkar(sidecar) na kulungan, meron din naman na naglalakad lang at akay-akay ang kanilang barakong baboy na saksakan ng laki at ubod ng taba.

Umi-ikot sila sa mga baryo, sa mga probinsiya, naglalakad-lakad na parang naglalako
at sumisigaw ng. . .

B u u u u l l l o o o o g ! ! !
B u u u u l l l o o o o g, kayo dyan!
Baka gusto n'yong magpabulog?
Bulog?

Kaya pala karaniwan na nilang dala ay isang malaking bulugang baboy, dagdag atraksiyon, diba? Kasi kung sa kanila kayo magpapabulog o kung sa kanila ninyo palalahian ang inyong inahing baboy, edi ba malaki ang tsansang maging malaki din ang magiging lahi at hindi basta mababansot, dahil malaki ang naka kasta.

Diba ang sarap ng buhay ng damuhong pabulog na barakong baboy nayan?

Biruin mo, binabayaran sila para lang kumasta at magpadami ng lahi.
Sarap buhay.
At siyento porsiyentong, alagang-alaga pa sila ng kanilang amo,
sa pagkain. . . kailangan para tumaba pa sila ng husto at lumaki, pang akit sa mga customer.
at dapat laging malinis at bagong ligo.

Sa panahon natin ngayon, medyo "in" narin ang ganitong kalakaran sa mga tao.
Meron narin nagbabayad at nagpapabayad para magpabulog at maglahi.


Ano kaya ang feeling?

Kumikita kana,

Nasasarapan kapa.

Monday, January 31, 2011

otso haba, ligo taba.

Nakarinig naba kayo ng mga lalaking nagpapayabangan sa haba at laki ng kanilang mga ari-arian.

Madalas kapag lasing na.

Misan naman kahit, matino o walang tama... basta makapagyabang lang.
Ipagmamalaki na mahihirapan kung sino mang babae ang kanilang maikakama, o sasabog naman ang bunganga kung may magtatangkang bakla.

Meron nagsasabi, inayawan daw siya nung pokpok o noong babae kasi hindi kaya ang laki ng alaga niya.
O baka naman, inayawan siya dahil sa baho ng hininga..?

May naghahangas pa, na yung kargada daw nila ay parang sa batuta ng pulis.
Hindi naman kaya kakulay lang ng batuta ng pulis?

Karaniwan narin na maririnig yung, Otso daw ang haba ng kargada nila at singko ang taba at minsan Otso for Ligo (sardinas), bombilya ulo.
Hayop din naman hano po. . . 8 inches ang haba, tapos ga sardinas ang taba, na ang ulo ay sinlaki ng bumbilya, baka naman sa kabayo o sa kalabaw na magagamit yon.
Kaninong normal na tao, lalo na't pinay nya pwedeng gamitin yon...wheeew!!?

Masakit tanggapin ang katotohanan, pero ang mga asyano (Asians) opo kabilang na ang mga pinoy ayon sa aking mga nababasa ay hindi naglalayo sa apat at kalahating pulgada (4.5") hanggang anim na pulgada (6") lamang ang karaniwang haba ng mga kargada.

Siguro nga may mga pinoy na sadyang gifted... may lumalampas hanggang siyete o otso, pero mangilan-ngilan lang iyon. Baka nga hindi pa umabot ng limang porsiyento (5%).

Marahil sa mga afrikano at mga ilang itim na kano, may umaabot hanggang labin-tatlong pulgada (13"), pero come to think of it, saan naman niya magagamit iyon, hindi ba sa mga kalahi niyang ang luwang ng mga pag-aari ay halos kasya ang gloves ng ating pambansang kamao.

May isang amerkano (Jonah Falcon) na nag mamayari ng nuwebe (9") kapag hindi galit at umaabot ng lampas trese (13.5") kapag ang kanyang alaga ay galit na. . .ganoon kahaba,

Pero ilan lamang sila sa mga bilyon-bilyong lalaking na nasa mundo?

Kaya sana matigil na yung ganitong kahangasan sa mga lasing... o kahit hindi sa lasing na ipangangalandakan na may mahaba silang armas.

Kasi ako,
ayokong magsalita,
kung gaano kahaba o kataba...

Basta ang tip ko lang, para ma isip nyo kung ano ang sukat

"Tenga na lang tuta na."

Thursday, January 27, 2011

huli sa akto

Kanina lang may napanood ako sa isang internet site, magkapareha, na nag aanuhan..
Personal na video, katuwaan, siguro gusto nilang mapanood kung ano ang hitsura nila habang ginagawa nila 'yon.

Marami na akong napanood na mga personal na intimate video, gamit ang cellphone, video cam, web cam yung mga point & shoot na may video mode na camera... basta marami na,

Pero kakaiba itong napanood ko, as in natawa talaga ako.

Habang nagpapasarap sila, biglang bumukas  yung pinto at papasok sana yung nanay nung lalake,

"Oh my god!!!" gulat na sabi noong nanay na mabilis na bumalik palabas ng kuwarto.

Mabilis din namang nakakilos yung babae at napakandong doon sa lalake...
Napakandong dahil nakaposisyon silang parang mga kabarkada ni Goofy at ni Pluto...

Nakakuha ng unan at kumot bilang pang cover. natigilan sila at nagkatawanan ng malakas.


Eto ang matindi,

Itutuloy sana nila ang kanilang sesyon,
pero biglang sumigaw yung nanay noong lalaki, kaya napilitan siyang tumayo.

Ang iniisip ko lang, diba suwerte talaga, dahil yung nanay noong lalaki ang nakakitta sa kanila,
paano kaya kung yung tatay noong babae, makuha pa kaya nilang tumawa?

Iniisip ko rin kung ako kaya ang nahuli sa ganoon kalagayan . . .
sobrang kahihiyan siguro.

Pero ....
baka,
sakaling,
itutuloy ko parin..

sayang nandoon na..

Sabi nga doon sa nadinig kong kweto tungkol sa intsik..


"Di bale na paktay... wak lang...tikil!!!"
(di bale ng mapatay 'wag titigil)



Wednesday, January 26, 2011

betlog . . .

Nagbukas nanaman ako ng panibagong blog.

Ewan ko ba, yung iba ko ngang blog eh ni wala kahit isa mang follower, heto't gumawa na naman ako ng bago.

Yung mga luma kong page, kung hindi ko pa kulitin yung ilang kaibigan, baka hindi nila pinag aksayahan kahit na ilang minuto para masilip o mabasa yung mga sinulat at ginawa ko.

Kahit nga mismong asawa ko, mga kapatid at ilang kamag-anak wala man lang akong makitang interesado.
Kaya nga yung iba kahit nailathalala ko na sa blog, copy & paste ko pa sa Facebook...
Atleast doon kahit papaano madalas tumingin yung iba at kahit papano may nakakabasa.

Hindi naman mahalaga para sa akin kung may mag ko-comment o mag la-like, basta ang mahalaga mabasa lang. . . ayos na.

Sadya yatang may akin akong kakulitan.
Pero sa palagay ko mas maganda narin ang maging busy ako sa ganito kesa sa panonood ng mga porno at pagsu-surf sa mga internet site na malalasawa ang tema.

Sa pag do-download ng kung ano-anong iskandal, kakasawa din.

Bahala na,
Basta pipilitin kong magpaka totoo, sa betlog kung ito...este sa blog na ito,
pipilitin kong isulat yung mga simpleng kaganapan sa pang araw-araw na buhay.
Sisikapin kong makapag bigay ng mga munting dagdag kaalaman sa mga makakabasa...


Iyon ay kung may magbabasa..